Saturday, January 10, 2009

poreyn attack!

"Will you stop the fucking pushing, you fucking turd! You want me to fucking smack your fucking face?! You fucking... disgusting!"

Boom! Malupit na banat ng isang porenjer kanina habang masikip na nagtutulakan at naggi-gitgitan ang mga tao sa MRT. Nabangga siya ng isang babaeng kalahating lalaki at sabay sigaw nito.

Ang lupit. Asa Pilipinas si Joe pero wala man lang nagawa si Juan para ituwid ang pamamahiya, pagtapak at literal pa pag-hagis ng tae dito.

Literal na nag-init ang ko nung bumanat ng ganito ang matabang porenjer. Halos naramdaman ko ang pag-alog ng aking Adam's apple sa pag-lunok ng laway dala ng gigil. Pero wala din ako nagawa.

Wala akong nagawa kasi hindi naman ako ang minura-mura ng porenjer. Nakakahiya lang kasi dahil literal na basura na nga ang tingin ng mga porenjer sa mga Pilipino 'pag tayo ang nagpupunta sa bansa nila, pero bakit kailangan na hayaan pa rin natin sila na bastusin tayo sa bansa natin.

Akala mo kung sino ang matabang porenjer. Bakit? Lahat tayo nabubuhay sa isang sistema lang, Walang sinasabi sa manual ng TV o refrigerator na may karapatan ang kahit na sino sa kahit na sino.

Kung titignan mo, ano ba kaibihan nila sa'tin? Ano ba kaibahan ko sa kanila? Ano ba kaibahan mo sa kanya? Wala. Pare-pareho tayong kung maligo ay nagbabasa ng tubig. Pare-pareho tayong gumagamit ng inodoro na paupo. Pare-pareho tayong bumubula ang bibig kapag nagsi-sipilyo.

Mga Pilipino kasi sinasabi na natural na hospitable sa lahat ng taong tumatapak sa carpet ng sala nila. Kaya nga kapag may dumadayong porenjer dito sa'tin, halos gawin natin mga anito dahil sabi nga nila, 'hospitable' kasi tayo.

Hindi ko maisip kung paano kaya ang reaksyon na gagawin ko 'pag ako ang nasa lugar nung tomboy na dinarag-darag ng Joe na 'yun. Hindi ko alam.

Paglabas ko ng MRT, nakasabay ko ulit ang Joe na matandang lalaki. Parang na-imagine ko ako si Jaworski kasi naglalaro sa isip ko na patirin at sikuhin ang mayabang na porenjer hanggang sa mahulog siya sa baba ng tren. Pero, bumalik naman sa kanya ang bulok na pagasta niya sa loob ng MRT kanina.

Hindi dahil sa'kin, hindi dahil sa tomboy na fan ni Aiza Seguerra, kundi sa katangahan ng mahangin na Joe na hindi pala alam kung paano gamitin ang ticket at kung paano lumabas sa harang ng MRT. Kanino siya nagpatulong? Sa Pilipino din.

Hindi ko maipinta 'yung halakhak nung tomboy na 'yun kasama ang madaming iba na nakapila palabas ng station. Ako, hindi ko na nagawang tumawa. Tinanong ko na lang ang sarili ko...

Sinong tanga?

No comments:

Post a Comment